Pages

Friday, February 19, 2010

Addict Na Ba Ako Sa Computer?

Ang computer, video games at internet ay naging bahagi na ating buhay.  Hindi lamang ito ay ginagamit sa pagtatarbaho at ngayon ito ay ang nagiging daan para sa pagsasaya at kaalaman sa maraming tao.  Para sa karamihan ay maayos nilang nababalanse ang paggamit nito pero para sa iba ito ngayon ay nagiging isang malaking problema na.

Kailan ba talaga pwede nating sabihin na mayroon nang problema ang isang tao mula sa paggamit ng computer, paglalaro ng video games at pag surf sa internet?  Mayroon ba tayong batayan para sabihin na ang isang tao ay addict na sa paggamit ng mga makabagong teknolohiya?  Maari nating masabi na ang mga unang bagay na

iyong mapapansin kung ikaw ay may problema tungkol sa iyong paggamit ng makabagong tecnolohiya ay kung ito ay nagiging hadlang na sa iyong paggawa ng pang araw-araw na pamumuhay.  Kung iyong napapansin na karamihan na lang ng iyong oras ay iyong ginugugol sa paggamit ng computer, paglalaro ng computer games at paggamit ng internet.

Mga karagdagang bagay na maaring magpihiwatig na ikaw ay may problema sa paggamit ng makabagong teknolohiya:

Para sa mga kabataan:
  • Kung ang karamihan ng iyong oras na pagkatapos mong pumasok ay ginugugol lamang sa paggamit ng computer at paglalaro ng computer games.
  • Kung ikaw ay laging inaantok sa loob ng silid aralan
  • Kung hindi mo nagagawa ang iyong mga takdang aralin
  • Pagbaba o pagbagsak ng mga sa mga gawaing pampaaralan
  • Pagsisinungaling tungkol sa paggamit ng computer at paglalaro ng video games
  • Pagpili sa paglalaro ng video games at paggamit ng computer kaysa makapiling ang mga kaibigan
  • Hindi pagsali sa mga gawain ng ibat ibang grupong pang pamayanan at pampaaralan
  • Labis na naiinis o pagkabalisa pag hindi nakakapaglaro ng video games o nakakagamit ng computer.
Para sa mga matatanda:
  • Kung ang paggamit ng computer at paglalaro ng computer games ay nagiging sanhi ng pagkasaya at pagkabalisa
  • Pag ang oras ay nauubos sa paggamit ng computer at paglalaro ng computer games na naapektuhan na ang pang araw araw na pamumuhay ng pamilya at ang pampersonal na relasyon.
  • Pagsisinungaling sa sobrang paggamit ng computer at paglalaro ng video games
  • Pag nagagalit at nababalisa sa kadahilanang hindi paggamit ng computer o paglalaro ng computer games.
  • Sobrang sobrang paggastos sa kanyang paglalaro at paggamit ng computer
  • Pag hindi na niya malaman kung ano ang realidad na buhay mula sa kanyang pantasyang buhay sa paggamit ng computer at paglalaro.
Mga pisikal na bagay na maaring maramdaman:
  • Carpal tunnel syndrome
  • Hindi makapagtulog
  • Pananakit ng leeg at likod
  • Sakit ng ulo
  • Panunuyo ng mata
  • Hindi pagkain ng maayos
  • Pagkalimot na alagaan ang kanilang sarili tulad ng pagliligo

No comments:

Post a Comment