Lubhang masuwerte ang kabataan sa ngayon dahil marami na silang pagkukuhanan ng impormasyon di tulad noong unang panahon. Ngayon miski sa loob lamang ng kanilang mga silid ay maari na nilang makuha ang impormasyon o makisalimuha sa maraming tao gamit lamang ang kanilang computer at internet. Kaya hindi nakakapagtaka na ang kabataan ngayon ay kabataan na ng mundo dahil sa lawak ng kanilang nararating gamit lamang ang internet at ang kanilang computer.
Ngunit sa kanilang paggamit ng makabagong teknolohiya na ito ay maraming maaring mangyari. Malaking responsibilidad ang naka atang sa kanilang mga balikat na kung hindi sila lubhang mag-iingat ay maari silang mailagay sa kapahamakan. Kaya sa kanilang pang
araw-araw na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito dapat nilang maisapuso ang mga sumusunod:
araw-araw na paggamit ng makabagong teknolohiyang ito dapat nilang maisapuso ang mga sumusunod:
- Isipin mo muna bago ka magpost – dapat maintindihan ng kabataan na kung ano man ang kanilang ilalagay sa internet ay hindi na nila ito mababawi at maaring magkaroon ng problema sa hinaharap. Ang paglalagay ng litroto at pagsusulat ng mga ibat ibang bagay na ilalagay sa internet ay may kasamang malaking responsibilidad dahil ito ay makakaapekto sa pagkilala at sa pagkatao ng gumagawa nito.
- Huwag magbigay o maglagay ng personal na impormasyon sa mga websites o sa mga taong hindi mo kakilala – maaring magamit ng mga taong masama ang hangarin upang makapanloko o malaman ang iyong kinaroronan upang biktimahin ka.
- Mag ingat sa mga taong iyong makikilala gamit ang makabagong teknolohiya – marami sa kabataan ay may mga kaibigan na hindi pa nila nakikita ng personal dahil ang mga ito ay nakilala lamang nila sa paggamit ng internet at pakikipag textmate. May posibilidad na nagpapanggap ang mga taong ito upang makuha ang iyong tiwala at maari ka nilang pagtangkaan ng masama.
- Higit sa lahat tumangging makipagkita sa mga taong hindi mo kilala - ang hilig hilig ng mga kabataan natin ngayon makipag “eyeball” sa mga taong nakilala lang nila gamit ang internet o cellphone. Kung hindi mo naman talaga kilala ang taong iyong makaka “eyeball” mas maigi na huwag mo na lang ituloy ito para ikaw ay hindi mapahamak.
No comments:
Post a Comment