Pages

Monday, February 15, 2010

Masarap Mag-computer, Di Ba?

Masarap maging bata sa panahon na ito dahil nga labis na napakaraming bagay ang maaring gawin para malibang. Ang mga makabagong technolohiya ay nagbibigay daan upang matuklasan ang ibat ibang bagay na maaring magawa ng isang bata di tulad noong panahon ng kanilang mga magulang. Sa pamamagitan ng computer at internet ay mas madali na ang pagkuha ng impormasyon na kanilang kinakailangan sa pang araw araw na buhay. Ito rin ang mga teknolohiyang ito ang nagkakapagbigay ng aliw at ligaya sa mga bata. Sila ngayon ay

maari nang marinig ng kanilang paboritong mga kanta, manood ng kanilang mga panoorin at maglaro ng kanilang mga paboritong laro sa oras na kanilang ninanais.

Kung noong araw ay kinakailangan pang maghanap ng kalaro sa labas ng bahay upang magkaroon ng kasiyahan, sa makabagong panahon ang kailangan lang gawin ay pindutin ang mga buton sa computer at ikaw ay maari nang makakita ng mga kalaro sa kahit saan panig ng daigdig. Ang mga bata ay lubos na nasisiyahan sa paggamit ng makabagong teknolohiya dahil ito ay nagbibigay sa kanila kapangyarihan para gawin ang mga sumusunod:
  • Magkaroon ng pangalawang katauhan – nagkakaroon sila ng paraan para maisabuhay ang kanilang mga pantasya at ninanais. Maari ito sa pamamagitan ng mga katauhan na ginagamit sa paglalaro o sa pamamagitan ng pagbibigay ng ibang impormasyon tungkol sa kanilang mga sarili.
  • Maipakita ang kanilang galing sa paggawa – ang computer at internet ay nagiging daan para maipakita at maibahagi sa maraming tao ang kanilang anking galling sa paggawa ng panoorin at sulatin. Ito ay nagbibigay sa kanila ng daan upang ihayag ang kanilang saloobin. Madali rin nilang naipapadala ang kanilang ginawa sa pamamagitan ng mga social networking sites, messenger, sms at email.
  • Magkaroon ng kaibigan sa ibat ibang lugar ng daigdig – maari silang magkaroon ng mga kaibigan mula sa ibat ibang lugar na nagpapalawak ng kanilang mga kaalaman tungkol sa kultura at pagkakaiba ng mga tao.
  • Napipili nila kung anong klaseng impormasyon ang kanilang maaring ibigay at makuha mula sa internet - karamihan ng mga bagay bagay na makikita ngayon sa internet ay gawa na mismo ng mga taong gumagamit nito. Mayroon na ngayong kakayahan ang mga tao na ilahat at kumuha ng mga impormasyong sa tingin nila ay importante. Ang kakayahang mamili at pagbigay ng impormasyon ay nagbibigay ng lakas sa mga gumagamit nito.
Lubhang napakasarap talagang gamitin ang mga makabagong teknolohiya sa pang araw araw na gawin. Ito ay nagbibigay ng kapangyarihan sa lahat ng gumagamit nito. Hindi tulad ng mga bagay na natuklasan noong nakaraang panahon na kakaunti lang ang maaring makagamit nito, ang makabagong teknolohiya ay maaring maapektuhan ang uri at antas ng pamumuhay ng isang tao o isang pamayanan.


No comments:

Post a Comment