Ang email ay isang pamamaraan ng pagpapadala ng nakasulat na mensahe sa isang tao na nasa malapit man o malayong lugar sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Ito ay maihahalintulad natin sa isang liham noong nakakaraang panahon na pinapadala sa tirahan o lugar ng negosyo ng isang tao sa pamamagitan ng koreo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay hindi na nangangailangang gumamit ng ballpen, papel, at sobre. Hindi na rin kailangan nating pumunta pa sa post office para ito ay ihulog at makarating sa taong iyong pinadalhan. Sa pamamagitan lamang ng inyong computer o cell phone na may koneksyon sa internet ay maari na ninyong padala ang inyong mensahe sa
kanila. Kinakailangan nyo lang malaman ang kanilang “email address” na magsasabi kung saang computer sa internet padadala ang inyong mensahe. Tulad rin ng isang liham ay maari kayo ring maglakip ng mga litrato, dokumento, video at mga applikasyon sa loob ng inyong mensahe na kung tawagin ay attachment.
kanila. Kinakailangan nyo lang malaman ang kanilang “email address” na magsasabi kung saang computer sa internet padadala ang inyong mensahe. Tulad rin ng isang liham ay maari kayo ring maglakip ng mga litrato, dokumento, video at mga applikasyon sa loob ng inyong mensahe na kung tawagin ay attachment.
Ano-ano ba ang mga bagay-bagay na dapat nating malaman sa wastong paggamit ng email upang epektibong masabi natin ang ating gustong sabihin:
- Ituring ang email na isang gamit na malaki ang maitutulong sa atin sa pang araw-araw nating pangangailangan sa komunikasyon. Hindi ito isang laruan na maari nating abusuhin.
- Huwag ipagsabi o laging palitan ang ginagamit ninyong password sa inyong email account upang ito ay hindi magamit ng ibang tao sa kanilang panloloko.
- Huwag gumamit ng malalaking titik sa kabuuan ng ating mensahe dahil ito ay nagpapahiwatig na tayo ay sumisigaw.
- Magbigay pugay sa simula ng inyong email sa iyong pinadadalhan.
- Huwag sasagutin ang mga email mula sa mga taong hindi mo kilala lalo na kung ito ay nanghihingi ng iyong personal na pagkakakilanlan. Maari nila itong gamitin upang makapanloko ng ibang tao o mailagay ka sa alanganin.
- Gamitin lamang ang email sa mga mahahalagang bagay. Iwasang magforward ng chain email na iyong natanggap mula sa iyong mga kaibigan o mga taong hindi mo kilala. Ito ang magiging sanhi sa pagkakuha ng iyong email address ng mga taong nagnanais manloko.
- Huwag bubuksan ang mga attachment lalo na kung ito ay magmumula sa taong hindi mo kakilala. Maari itong maging sanhi na magkaroon ng computer virus ang iyong computer na maaring ikasira nito.
- Gumamit ng tamang spelling, grammar at punctuation sa inyong mensahe. Huwag gagamit ng text speak o mga pina-ikling mga salata dahil baka hindi ito maintindihan ng taong iyong pinadalhan.
- Isipin munang mabuti ang gusto mong sabihin sa taong iyong padadalhan ng mensahe. Pag ito ay napadala mo na ay hindi na ito muling mababawi pa.
No comments:
Post a Comment