Ang email ay isang pamamaraan ng pagpapadala ng nakasulat na mensahe sa isang tao na nasa malapit man o malayong lugar sa pamamagitan ng paggamit ng internet. Ito ay maihahalintulad natin sa isang liham noong nakakaraang panahon na pinapadala sa tirahan o lugar ng negosyo ng isang tao sa pamamagitan ng koreo. Ang pagkakaiba nga lang ngayon ay hindi na nangangailangang gumamit ng ballpen, papel, at sobre. Hindi na rin kailangan nating pumunta pa sa post office para ito ay ihulog at makarating sa taong iyong pinadalhan. Sa pamamagitan lamang ng inyong computer o cell phone na may koneksyon sa internet ay maari na ninyong padala ang inyong mensahe sa
Digital Batang Pinoy
Tuesday, March 9, 2010
Ang Nararapat Na Paggamit Ng Email
Thursday, March 4, 2010
Kailangan: Patnubay Ng Magulang
Bilang isang tao na nagka roon ng pagkaktaon na mangasiwa ng samahan ng mga may-ari ng internet cafe, marami-rami na rin akong mga magulang na napapakinggan na nagrereklamo sa pagkasira ng buhay ng kanilang mga anak dulot ng pagkagahaman sa paglalaro ng mga computer games sa internet cafes. Kahit saan akong magpuntang pagtitipon saan mang panig ng bansa ay pare-pareho na lang ang kanilang mga istorya sa aking tungkol sa mga nangyayari sa loob ng mga internet cafe sa kanilang mga lugar.
Ang kanilang mga anak ay hindi nakatapos ng pag aaral dahil ito ay natutuong magbulakbol at magtigil na lang sa internet cafe ng buong maghapon. Ninanakawan sila ng salapi at gamit upang maging panustos ng kanilang mga anak sa
Sunday, February 28, 2010
Pagkubli Sa Bagong Teknolohiya
“Uy, Tess” nasambit ni Linda sa kanyang kaibigan “Kay tagal na ata nating di nagkikita ano ang iyong ginagawa ngayon?”
“Pasensya na Linda” tugon ni Tess “ Medyo busy lang ako ngayon at hindi na ako nakakalabas ng bahay.”
Si Linda at si Tess ay magka eskwela sa ika-apat na taon sa mataas na paaralan ngunit hindi na masyadong nagkakasama dahil si Tess ay lagi na lang nagmamadaling umuwi pagkatapos ng kanilang mga aralin.
Subscribe to:
Posts (Atom)